Historyograpikong pagbasa sa mga piling biopic ayon sa mga modelo ng pagsasakasaysayan ni Friedrich Nietzsche

Abstract

The study examines the historiography within selected biopics that feature the lives of Philippine heroes Andres Bonifacio (1863-1897), Emilio Aguinaldo (1869-1964), Antonio Luna (1866-1899), Gregorio del Pilar (1875-1899), and Manuel Quezon (1878-1944): Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio (2010), Supremo (2012), El Presidente (2012), Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014), Heneral Luna (2015), Goyo: Ang Batang Heneral (2018), and Quezon’s Game (2018). The body of the paper is divided into three substantive sections: (1) some notes on the selected biopics, (2) an explanation of the models of writing history introduced by the German philosopher Friedrich Nietzsche (1844-1900) (i.e., monumental history, antiquarian history, and critical history), and (3) discussion of the traces of Nietzschean historiography within the selected biopics. The analysis showed that the most dominant model was monumental history, which highlighted heroic narratives of the past. The next most dominant was critical history, which criticized the mistakes of the past. There were very few traces of antiquarian history, which aimed to be faithful to what happened in the past. Overall, no biopic showed traces of only one model of history; a combination of monumental, antiquarian, and critical history was seen in each examined film.

Abstrakt
Sinisipat ng pag-aaral na ito ang historyograpiyang nakapaloob sa mga piling biographical picture (biopic) na nagtatampok sa buhay ng mga bayaning Filipinong sina Andres Bonifacio (1863-1897), Emilio Aguinaldo (1869-1964), Antonio Luna (1866-1899), Gregorio del Pilar (1875-1899), at Manuel Quezon (1878-1944): Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio (2010), Supremo (2012), El Presidente (2012), Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014), Heneral Luna (2015), Goyo: Ang Batang Heneral (2018), at Quezon’s Game (2018). Nahahati sa tatlong sustantibong seksiyon ang katawan ng papel: (1) ilang tala hinggil sa mga piling biopic, (2) pagpapaliwanag sa mga modelo ng pagsasakasaysayan na ipinakilala ng Alemang pilosopo na si Friedrich Nietzsche (1844-1900) (i.e., kasaysayang monumental, kasaysayang antikuwaryo, at kasaysayang kritikal), at (3) pagtalakay sa mga bakas ng historyograpiyang Nietzschean sa mga piling biopic. Lumitaw sa pagsusuri na pinakanangibabaw ang kasaysayang monumental na nagbigay-diin sa magigiting na salaysay ng nakaraan. Sunod na nangibabaw ang kasaysayang kritikal na pumuna sa mga kamalian ng nakaraan. Pinakakaunti naman ang mga bakas ng kasaysayang antikuwaryo na ang layunin ay maging tapat sa kung ano talaga ang nangyari sa nakaraan. Sa pangkalahatan, walang biopic na iisang modelo lamang ng pagsasakasaysayan ang namutawi; ang kombinasyon ng monumental, antikuwaryo, at kritikal na kasaysayan ay nakita sa bawat pelikulang sinuri.