Higit sa Ani: Rebyu ng Clean and Green: Knowledge and Morality in a Philippine Farming Community ni Axel Borchgrevink
Article

Abstrak

Sinusuri sa rebyung ito ang Clean and Green: Knowledge and Morality in a Philippine Farming Community (2014) ni Axel Borchgrevink at ang ambag nito sa pag-unawa sa ugnayan ng kaalaman, moralidad, at pagkilos panlipunan sa isang pamayanang agraryo sa Pilipinas, particular sa Ginopolan, Bohol. Binibigyang-pansin ang paggamit ng may-akda sa kognitibong antropolohiya at sosyolohiya ng kaalaman upang ipakita na ang mga desisyon ng mga magsasaka ay hindi lamang nakabatay sa ekonomikong interes kundi nakaugat din sa lokal na moral at epistemikong balangkas. Tampok sa pagsusuri ang cultural model ng “clean and green” at ang konsepto ng hinlo bilang mga kategoryang humuhubog sa ugnayang panlipunan, reputasyon, at pamantayan ng komunidad. Tinatalakay rin ang implikasyon ng aklat sa pag-aaral ng komunikasyon at development studies, partikular sa pagtingin sa komunikasyon bilang proseso ng moral na pagsusuri, regulasyong panlipunan, at pagbuo ng kaalaman. Kinikilala rin ng rebyu ang ilang limitasyon ng aklat habang binibigyang-diin ang ambag nito sa pag-aaral ng mga pamayanang agraryo at lipunang Pilipino.