Ang pagsapit ng kamuwangan sa pelikula: Isang panimulang pagsipat sa naratibo ng piling coming-of-age films ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival

Abstract

Abstrakt
Isang panimulang pagtatangka ang papel na ito na makapag-ambag sa literatura ng coming-of-age cinema sa Pilipinas. Gamit ang mga piling konsepto ng coming-of-age cinema ni Alistair Fox (2017) na hinulma sa balangkas ng Three Dimensions of Film Narrative ni David Bordwell (2007), sinasaklaw ng papel na ito ang panimulang pagsusuri sa naratibo ng mga piling kontemporanyong coming-of-age film mula sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Hangad ng pananaliksik na makapaghain ng ilang mahahalagang punto sa katangian ng isang Filipino coming-of-age film.

 

Abstract
This preliminary study aims to make a modest contribution to the literature on coming-of-age cinema in the Philippines. Using coming-of-age cinema concepts from Alistair Fox (2017) woven into the Three Dimensions of Film Narrative of David Bordwell (2007), this paper is a preliminary narrative analysis of selected contemporary coming-of-age films from the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. This study aims to offer insights about the characteristics of a Filipino coming-of-age film.