“Representing a country of multiethnic voices:” Ang kontradiskurso ng grupong Alamat laban sa monokultural at kolonyal na nasyonalismo na umiiral sa Pilipinas

Abstract

Abstrakt
Ang Filipino boy group na Alamat ay isang multietnikong Filipino boy group na nabuo noong 2020 na may mga miyembrong Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Sebwano, Hiligaynon, Bikolano, at Waray. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga orihinal na awitin, covers, at collaboration videos ng natukoy na grupo. Sisiyasatin ng papel na ito ang pagsusulong ng Alamat ng kontra-diskursong lumalaban sa monokultural at kolonyal na nasyonalismong umiiral sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit at pagkilala sa mga rehiyonal na wikang katutubo, ang pagkilala sa nagbabagong kultura na may paghahalo ng tradisyonal at makabagong kulturang Filipino, ang pagbuo ng kontra-oryentalistang pagbasag sa mga negatibong imahen ng Filipino, at ang pagpapalaganap ng multi-rehiyonal na musikang Filipino.

Abstract
The Filipino boy group Alamat is a multiethnic Filipino boy group formed in 2020 with Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Bikolano, and Waray members. The purpose of this study is to analyze the original songs, covers, and collaboration videos of the identified group. This paper will examine the promotion of Alamat’s counter-discourse that resists the monocultural and colonial nationalism that exists in the Philippines through the use and recognition of regional indigenous languages, the recognition of changing culture with a mix of traditional and modern Filipino culture, the development of a counter-orientalist breakdown of negative Filipino images, and the spread of multi-regional Filipino music.